O tinatamad mag-aral ng subject mong Rizal?
na para bang sinusumpa mo ang araw na napatupad ang R.A. 1425?
Kung OO ang sagot mo, ito ang website na para sa iyo!
note: ang site na ito ay magandang buksan sa pamamagitan ng FIREFOX
Kung may matatawag na dakilang "chickboy" dahil sa siya ay isang bayani at babaero masasabing si Dr. Jose Rizal na iyon! Maraming babae ang dumaan sa kanyang buhay kaya't ang ating activity ngayon ay may kinalaman sa mga babae ni Dr. Rizal.
Masusukat sa gawaing ito kung gagano mo kakilala ang mga babaeng minahal ni Rizal.
Inyong kilalanin kung sinu-sino ang mga magagandang babaeng nasa mga larawan. Masasabing lahat sila ay minahal ng lubos ng ating gwapitong bayani.
Anu kaya ang sinisimbolo ng mga larawan nakaguhit sa pabalat ng isa sa mga makasaysayang akda ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere?. Alam manan nating lahat na ito ay tumatalakay sa mga tunay na nangyayari sa ating bansa noong mga panahong sinakop tayo ng mga mapagsamantalang Kastila. Idinaan ng ating pambansang bayani ang kanyang mga nakikitang pagmamalupit sa ating mga kababayan sa pamamgitan ng nobelang ito. masasbi rin na isa din ito sa mga dahilan kung bakit siya napaginitan ng mga Kastila.
Ngayon naman ay masusukat natin ang inyong imahinasyon. Kung ano ang mga maiisip ninyo na mga ibig sabihin ng mga larawan aming ibibigay.
Ipaliwanag kung ano ang nais niyang ipaunawa sa atin kahit na hindi man ito niya direktang ipinakita ay maababatid pa rin natin kung ano man ang mga ito. hanapin ang mga sumusunod at ipaliwanag:
1). mukha ng babae 2). tanikala (chain) 3). mga paang naglalakad 4). dahon ng laurel 5). krus
Si Rizal lakwatsero! Iyan ang pamagat ng ating aktibidades ngayon. Pagkatapos ng kanyang apat na taong pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, lumayag na patungong Europa ang dakilang si Rizal. Bago pa man siya nkarating sa Espanya ay marami pa siyang lugar na napuntahan.
Iguhit sa isang malinis na papel ang naging paglalakbay ni Rizal. Simula ng unang pag-alis niya sa Pilipinas hanggang makarating sa Espanya.Isulat kasama ng bawat larawan ang petsa ng pagdating at pag-alis sa bawat lugar na pinuntahan. Magbigay ng maikling deskripsyon tungkol dito. Ilagay lamang ang mga bagay na mahahalaga. Paganahin at palawakin ang iyong imahinasyon sa gawaing ito.
Gusto mo bang maging katulad ng ating mga magagaling na mga manunula at maging mahusay katulad ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal? Sa edad na walo, nagawa na niyang magsulat ng tula na pinamagatanang "Sa Aking Kabata". Sadyang kahangahanga ang talinong taglay ng bayning ito na kinikilala maski sa ibang bansa.
Kaya't kami ay gumawa ng isang gawain para maipakita din naman natin na maari rin naman tayong maging katulad niya at lumikha ng akda o tula na maaring makilala din katulad ng mg agawa ng ating pambansang bayani!
Ito ang tulang nagpakita ng kamulatan ni Rizal sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran na maaari nating sabihin na nagsimula ng kanyang kagustuhan na mailigtas ang "Kapuluang Pilipinas" sa mga mapangaping dayuhan.
Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Panuto:
Gumawa ng isang malayang tula na tumatalakay sa iyong nararamdaman sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa ating bansa. Gawin itong masining at isipin mo na lamang na ikaw ngayon si Dr. Rizal na gustong imulat ang mga tao sa mga mali nilang ginagawa. Ippahayag ang iyong kamalayan sa iyong bansang sinilangan!
Panahon ng pananakop noon ng mga Kastila ng maging bayani si Dr. Jose Rizal. at ngayon sa ating kurso ay panag-aaralan natin ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Bawat parte nito ay masusi nating pinag-aaralan at tinatalakay. Ngunit kasabay ng mga pangyayaring ito kay Rizal ano naman kaya ang mga pangyayari ring nagagnap sa labas ng mundong ginagalawan niya.
Ang gawain naman natin ngayon ay iikot sa mga mahahalagang pangyayaring naganap din sa buong mundo.
Ang mga sumusunod na petsa ay maaring nagkaroon din ng mga mahahalagang pangyayari sa ating mundo. Magsaliksik ng mga mahahalagang pangyayari na masasabing nagatala o nakatala na sa ating kasaysayan na hindi masyadong nabigyan ng pansin.
1870:
1871:
1873:
1874:
1875:
1876:
1877:
1878:
1879:
1880:
1881:
1882:
1883:
1884:
1885:
1886:
1887:
1888:
1889:
1890:
1891:
1892:
1893:
1894:
1895:
1896:
KIlala mo ba si Orang?! isa siya sa mga napakaraming babae ng ating magaling na pambansang bayani. Haha!( Sarcastic?! ) Leonor Valenzuela ang tunay na pangalan ni Orang,tubong batangas.
Kung sa panahon natin ngayon ay usong-uso ang e-mail, YM at iba pa bilang paraan ng pakikipag-usap sa malayong kaibigan o kasintahan, sulat naman ang gamit noong panahon ni Rizal.
Hakbang:
Lumikha ng isang tulang pag-ibig o liham na sa tingin mo ay maaaring isa sa mga liham na ibinigay ni Rizal kay Orang.Hindi kinakailangan na malalim at matatalinghaga ang iyong mga pananlita basta galing sa puso,
Okay na iyon!( Boys!, panahon na! Yeahbah!!)
Isulat ang nagawa sa papel gamit ang pinaghalong tubig at asin. Patuyuin. kung tuyo na ang papel, dahan-dahang itong itapat sa apoy ng kandila.( Babala: masusunog kapag sobrang tagal! naman.. may apoy eh!..ang dami kasing arte ni Rizal noh?.. Dami niyang alam!! Hmp!) Unti-unting lalabas ang mga letra. tapos na!. Gusto mo pa?! ulitin mo na lang! Hehehe!!
Para sa lahat ng hinaing, suhestyon o komento, mangyari lamang na mag-email sa webmaster sa address na:
khallogs@gmail.com
o maaari rin kayong mag komento sa tagboard!
|MGA BABAE SA BUHAY NG ISANG BAYANI.|
|ANG NOLI ME TANGERE.|
|ANG LAKWATSERONG SI RIZAL.|
|MATALINGHAGANG SI RIZAL.|
|MUNDO NG PAGLALAKBAY.|
|SULAT KAY TAIMIS.|
|TAGBOARD.|
|EXITS.|